Monday, September 27, 2010

Si Baing


Nakayapak. Kumakandirit habang binabagtas ang kakarampot na tawirang pilapil. Di-alintana ang malapalasong sikat ng araw na patuloy na gumuguhit sa malakalabaw nitong balat. Hinulma na ng panahon ang kalyado nitong mga paa. Hininang na ng bawat bukhang-liwayway ang kanyang mukha. Marahil sa ilan Siya ay pangkaraniwan. Ngunit sa aking mga mata, siya ay natatangi at marapat lang na bigyang pagpupugay at pagkilala.

Pagtahak sa palayan ng nakayapak patungo sa bayan. Iyan ang kanyang RITWAL. Isang palaisipan sa akin magpasahanggang ngayon kung bakit ayaw niya magsuot ng sapin sa paa. Magpailang ulit na siyang binigyan ng aking lola ng sinelas pero sa tuwing dadaan siya sa aming tahanan para magkape, hubo't hubad parin ang mga paa nito. Tama. tuwing umaga, pumaparoon siya sa aming tahanan upang makahigop ng isang tasang kape.Hindi ko maipagkakailang ako'y naaalibadbaran at nagiging bugnutin sa tuwing maririnig ko ang matinis niyang tinig. Nagmistula itong alarm clock tuwing umaga.


kape-kape-kape! kape-kape-kape! agriing kan nang ta agkape tan...


Isang imbitasyong araw-araw tumotorete sa'king tenga. Ani nga ng aking lola, "Hayaan mo na't likas talagang masayahin si Baing. Tumatanda na din kasi". Nagpapatawa ka ba La? Nakakatuwa lang isipin 'pagkat galing din sa matanda ang mga pampalubag-loob na yaon. Tinanong ko ang aking lola kung saan ba nagpupunta si Baing. Bakit araw-araw siyang nakikipag-unahan sa haring araw.

Sa barangay pala siya namamasukan.

Bakit kapag tumatanda ang isang tao, kung hindi man sa simbahan ang kanilang magiging huntahan, sa Health Center ang kanilang bagsak? Hindi bilang pasyente kundi bilang manggagawa. Hindi pa ba sapat ang maraming taong pagpapaalila at pagpapakasakit sa hamon ng buhay? O talagang likas lang sa kanila ang pagiging masukista?

Buwan-buwan, may 'patak' sila baing. Patak kung kanila itong tawagin 'pagkat may ipapatak sila sa bibig ng mga musmos sa bayan. Pampalakas daw. Bukod sa pagbibigay ng halamang gamot sa mga nangangailangang kabarangay, may sideline din si Baing - pagkukumpuni ng sirang payong at paggawa ng gasera. Mabenta din siya tuwing pista ng barangay 'pagkat siya ang opisyal na manunulo (taga-gawa ng sulo at pailaw). Abot tenga na ang ngiti nito sa mga lumang damit at ilang piraso ng barya't pandesal, kapalit ng kanyang serbisyo.

Kaasi met ni Baing.

Ito ang karaniwang sinasabi ng mga tao kay Baing. Naaawa daw sila sa kalagayan niya. Matanda na pero patuloy paring kumakayod. Wala ba siyang kamag-anak? Parang biglang may kumurot sa aking kamulatan 'pagkat ako'y kanya ring kamag-anak. Kung may magagawa lang ako para sa kanya ngunit nasa ikatlong taon pa lang ako noon sa Sekundarya. Hindi rin naman sapat ang estado ng aming buhay para bigyan siya ng pamuhunan para makapagsimula.

Patimpalak sa Pagsulat. Kabilang ako sa mga napiling kumatawan para sa aming paaralan. Sumulat ng Isang Lathalain tungkol sa Pinakapaborito Mong Opisyal ng Pamahalaan. Si Ninoy kaya? O si Marcos? Pwede rin si Cory. Sandali akong nagmuni-muni. Ano ba ang katangian ng isang mabuting Public Official? Dapat totoo. Bukal sa puso ang paninilbihan at hindi pansariling interes ang pinaiiral. Hindi baleng salat sa salita basta't sapat sa gawa. Iyong taong laging nariyan 'pag kailangan ng sambayanan ang serbisyo. Nananatiling masayahin at mapagpakumbaba sa kabila ng problemang kanyang kinakaharap. Lagi nitong iniisip na may latigo ang langit. Inspirasyon ng nasasakupan, idolo ng sambayanan.

Pinasa ko ang aking payak na pagtalakay tatlumpung minuto bago ang itinakdang oras. Lumabas ako sa silid timpalakang nakangiti. Nag-uumapaw sa kaligayahan. Hindi pa man ako tinatanghal na nagwagi, para sa akin, ang produkto ng aking makulit na imahinasyon ay maituturing kong isang OBRA.

1st ako mang!

wika ko sa aking lola 'pagdating sa aming tahanan. Hindi naman ako emosyonal na tao kaya't mas naghari ang ngiti't halakhakan laban sa iyakan. Ano ang topic nyo? Tita ko 'yun na isang tagapayo ng pahayagan ng paaralang kanyang pinagsisilbihan. Kami'y nagkwentuhan. Ilang minuto ang nagdaan, dumating si Baing.

Baing, sika kanu ti impangabak ni Majo!

Maluha-luha si Baing. Pati ang Lola, Ina at tita ko, hindi nagpatalo sa pagiging emosyonal.

Salamat Balong.

Sabi ko nga kanina. Hindi ako 'yong tipo ng taong mababaw ang luha. Pero, aminado akong kakaiba ang aking naramdaman nang mamutawi sa bibig ni Baing ang pasasalamat. Marahil sa ila'y pangkaraniwan na lamang na gawin silang tema ng isang sanaysay ngunit para kay Baing, isa itong karanasang kailanma'y hindi niya pinangarap.

Ang pagbabalik-tanaw na ito'y di ko kailanman malilimot. Nais ko sanang mahanap 'yung aking akda patungkol kay Baing ngunit hindi na iyon posible 'pagkat nag-iisa lamang iyong aking pinasa nung araw ng timpalak. Siguro nga'y itinadhana ang aking pagpili kay Baing bilang Paborito kong opisyal pampuliko. Ang napili kong landas na tahakin ay may kinalaman din sa kanyang pagiging BHW. Propesyong nangangailangan ng pagiging totoo. Bukal sa puso ang paninilbihan at hindi pansariling interes ang pinaiiral. 'Di baleng salat sa salita basta't sapat sa gawa. Laging nariyan 'pag kailangan ng sambayanan ang serbisyo. Nananatiling masayahin at mapagpakumbaba sa kabila ng problemang kakaharapin. Laging iisiping may latigo ang langit. Inspirasyon.

SALAMAT Baing sa Inspirasyon. Sa ngiti. Sa Pag-asa. Ngayo'y kapiling ka na ni Bathala ngunit sa tuwing ako'y makakakita ng NAKAYAPAK, ikaw ang aking maaalala. Si Baing na di-alintana ang mga alingasngas ng ilan. Si Baing na di nagpagapi sa dagok ng buhay. Si Baing, kaagapay ang kanyang kalyadong mga paa - nagpatunay na basta't may buhay, kahit walang sinelas, MAY PAG-ASA.



A Tribute to all the Barangay Health Workers in the country

28th of September, 2010; 4:05 AM

Monday, June 14, 2010

FACT-TGIF

Filipinos are Cute and Talented - Thank God I'm Filipino

Salamat sa isang twipol (tao sa twitter:), na-coin ang term na 'to. Naalala ko tuloy 'yung isang joke ng kahousemate ko dito sa Makati,

"Nakakahinga pa ba un?" (parang nakadapa na daw kasi ang ilong)

Aminado akong bumenta sakin ang sabihin na nating mapagbirong patutyada sa hilatsa ng ilong ng isang tao. Marahil nakakabit na sa pangalan ng mga Pinoy ang kakatwang hitsura ng kanyang ilong. Ngayon, ito na ang malaking sampal natin sa mga patuloy na nag-dedegrade ng lahi natin... hindi lang ng mga banyaga kundi pati kapwa natin Pinoy... hindi lang dahil sa Ilong na Pango, pati narin sa napakarami pang aspeto, Terorismo. Kalamidad. Mediocre daw sa mga bagay-bagay. Magaling manggaya.

Muli nanaman nating napatunayan na despite of the 'peculiar physical features', meron tayong IBUBUGA. Biruin mo, nag-number 1 trending topic ang PILIPINAS GOT TALENT sa twitter! June 13, 2010. A day after Philippines' 112th celebration of its Independence. Hindi rin natin makakalimutan ang paggunita ng ating kalayaan sa taong ito 'pagkat for the first time, nairaos natin ang Automated election noong Mayo. Nakaka-proud kasi 'yung Hush tag na 'Pilipinas Got Talent', dinominate pati FIFA World Cup sa top spot.

It really sustained the feeling during the Indepence Day. I've never been this patriotic before. Kung meron mang goodnews patungkol sa Pilipinas, it was just a 'come and go' situation. Lumilipas din kumbaga. Later did I realize (as in noong June 13 lang) na we are really 'existing' sa outside world at positive note. (Sumikat din naman tayo noon sa ABuSayyaf, kahihiyan nga lang...HAHA)

Charice took the first lead sa pagrevive ng ating credibility. Siyempre pinangunahan ito ni Ms. Leah Salonga alongside with other acts na nagpatunay na kaya nating makipagsabayan sa ibang mga nationalities. 'Yung dating mediocrity na kinakabit satin, we've proven them wrong.

At ito na nga, nagstart ang PGT Grand Finals. Ewan ko ba, mula simula palang, tayuan na ng tayuan (hindi 'to bastos ha? :)) ...ang mga BALAHIBO (balbon kasi ako kaya capslock) ko.

"Naglabba ti buok ko!" (nagtayuan ang mga buhok ko) sa lahat ng mga acts. Simula palang.
Naknampuchang act ni ALAKIM. Na-bobo ako dun ha. infairness! haha! kahit napanood ko na 'yon dun sa ESPN... iyong show na binubuking mga secreto ng mga magicians. Pweo I was still amazed by Alakim's performance kasi 'di biro 'yong layo ng stage sa nirating niya. Not unless naka-harness siya at may zip-line papunta sa other side ng stage. Whew! That was crazy. Or should I say, it made me crazy! haha

Ayon na nga. Nasa momentum na TAYO. Nag-set na si ALAKIM ng standards. Dapat i-meet ng mga susunod na contestants ito kung ayaw nilang maging Flop at Jinx ng momentum! True enough! Na-maintain nga ang world class standards na 'to at biruin mo, hinigitan pa! WHOAH! Nakaka-proud!

Well, hindi ko na iisa-isahin mga contestants kasi baka maging nobela na 'to! :) May time limit ako, sa totoo lang. May nakapila kasi sa net. hehe (Para akong bumalik sa feature writing contest noon. 1 hour lang alloted time).
Ayun! Basta lahat sila WORTH my WAIT and WATCH.

JOVIT BALDIVINO. Hailed as the first-ever Pilipinas Got Talent Winner. What a talent! Tagos sa puso kung kumanta! Swak na swak pa mga NOTA niya! To think he's a new comer. Pero if we'll try to reevaluate his performance technically, he's not your ordinary newbie!

"'lang hiyang JOVIT 'to, lagi akong pinapaiyak sa tuwing kakanta siya!" Ito 'yong exact words ng relative ko na ka-Jovinatic ko din. hehe

...kaya nga inasahan ko nang magiging #1 trending topic din siya sa twitter! Ayun! nagtrend nga! Nilampaso ang World Cup at mga star players ng nabanggit! I have nothing against WC ha? hehe
What I'm trying to point out is We can be known to the World even by positive sense or aspect, hindi lang sa terorism, etc. Now, we can shout out loud... HEY WORLD! We are a heck of TALENTED human beings!

Pero hindi, we were taught to be humble in spite of the glory and praises that we are receiving. We don't brag our success. We're just somewhat ecstatic and thankful. Diyan ako bilib sa Pinoy!
Masayahin at mapagpakumbaba.

We are fighters in the sense that kahit ilang Ondoy at Pepeng ang dumating, we could still find ways to cope with them. ISA NA NGA DIYAN ANG SINGING! Kahit nga sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) kinatatakutan mga Pinoy.

Iyan ang FACT! kaya I'm so Thankful because I'm FILIPINO!

IKAW? Proud ka bang PINOY ka? :)






*TGIF- Thank God malapit na ang FRIDAY. Makakakanta na ulit ako! :)




Sunday, June 6, 2010

Natatanging Katangian

I'm writing straight from my phone and as expected, hindi siya ganun kadali. But since I'm on my momentum, kailangan ko 'tong samantalahin. It's been four years since I poured out my my feelings on a piece of paper. Apparently, napilitan lang ako kasi it used to be one of my responsibilities, to write, to write and isa pang to write. There was this feeling of rush everytime I was tasked to write about something. Later did I realize (actually ngayon lang ulit! Haha) na I was born to ink out my views. PASSION. This would definitely explain what I'm feeling right now. Kahit saang aspeto ng buhay kung may 'Libog' (passion,alang halong rungis),talagang hindi mo kaya magresist. Kasi the more na iniiwasan mo, lalo ka nitong aasarin. Susundan. Magpapapansin para bigyan ng kaukulang atensyon. Siguro 'tong pagnanasang ito ang magpaparamdam sa akin ng tunay na kahulugan ng buhay. Kahit gaano kahirap, pilit ka mang pigilan ng puwersa ng paligid, ika nga, basta 'PASSIONate' ka sa ginagawa mo, you will find what you are looking for. Your Passion will be your lamp upon your darkest tunnel... Armas mo 'yan laban kahit kanino. Ako, hindi ko alam kung ma'upload 'tong kakarampot kong pagtalakay pero dahil nga passion ko to, Mahal ko to, sige lang go ako. Yan ang natatangi mong katangian 'pag nagkataon... Paglagay ng sarili sa isang bagay dahil mahal mo ito at masaya ka sa ginagawa mo.